Tatlong websites para maka-download ng libreng laro sa PC.

Nahihirapan ka bang makahanap ng website na may mada-downloadan na libreng laro? Huwag magalala dahil sa paksang ito ay ibabahagi ko ang mga websites na aking natuklas at ginagamit para makakuha o maka-download ng mga libreng laro para sa computer o ‘di kaya sa laptop.

Marami sa atin ang ayaw magbayad o ayaw bilhin ang mga laro para sa PC o laptop sa kadalihanan na mahal ang mga ito at hindi natin ito kayang bayaran. Ang iba ay naghahanap na lamang sa internet at nagse-search ng iba’t ibang websites na mapagkukuhanan ng mga libreng laro ngunit sa ating pagse-search ay minsan nakakaengkwentro tayo ng mga site na punong-puno ng mga virus kasama na ang file o laro na ating ida-download.

narito at ibabahagi ko ang tatlong website na aking natuklas at pinagkakatiwalaan na libre lang makaka-download at walang halong mga virus:

  1. Steam

Pagdating sa larangan ng video game platforms, ang Steam ang isa sa mga pinakasikat sa industriya. Ang Steam ay isang sikat na website na kung saan makaka-download ka ng iba’t ibang laro kasama na rito ang mga libre at mga nakapresyo na laro. May mga laro rito na gawa ng mga sikat na developers at may mga gawa rin ng mga hindi kilala o tinatawag na indie. Makakahanap ka ng iba’t ibang libreng laro rito tulad ng action games, puzzles, shooting games, adventure, at RPG.

2. Apunkagames

Ang ikalawang website na aking ibabahagi ay ang Apunkagames. Marahil ay marami ang hindi nakakaalam ng website na ito ay huwag ito maliitin dahil ang site na ito ay punong-puno ng mga bago at pati na rin ng mga lumang laro. Ang mga files sa website na ito ay naka-upload sa isang secured site na kung saan may mabilis server at kayang maka-download ng mga ilang minuto o oras lang batay sa bilis ng iyong internet.

3. Games-database

Ang huling website na aking ibabahagi ay ang tinatawag na games-database (best website). Ito ay kamakailan ko lamang nalaman at isa ito mga pinakamagandang website na aking napuntahan at nasubukan. Napakadali lang mag-download ng mga laro rito at may kasiguraduhan na ligtas ang iyong PC o Laptop dahil ito ay 100% na libreng site at walang mga virus. Ang mga files na ida-download mo rito ay naka zip at ready to install na or ready to play.

Leave a Comment