Ano nga ba ang gamit ng VPN ( Virtual Private Network ) at ano ang halaga nito?
- Ang Virtual Private Network (VPN) ay may kakayahang magtatag ng isang protektadong koneksyon.
- Kaya nitong itago ang iyong orihinal na IP address.
- Kaya rin nitong baguhin ang iyong lokasyon sa pag-access sa mga websites at applications.
- Ine-encrypt nito ang iyong trapiko sa internet at pinapangalagaan ang iyong online na pagkakakilanlan.
Hindi ba nakasasama ang paggamit ng VPN (Virtual Private Network)?
Ligtas naman ang paggamit ng Virtual Private Network (VPN) dahil ang layunin lamang nito ay itago ang iyong tunay na impormasyon sa internet. Hindi basta-basta makukuha ng mga masasamang tao ang iyong tunay na impormasyon sapagkat lahat ng impormasyon ay nakatago at hawak ito ng provider ng iyong ginagamit na VPN at kahit na ang provider ay walang karapatan na kunin ang iyong orihinal na impormasyon.
Nakabibilis ba ng internet ang paggamit ng VPN (Virtual Private Network)?
May ibang mga Virtual Private Network (VPN) na kayang limitahan ang speed ng internet. Kung kukuha ka man ng provider para sa Virtual Private Network ay piliin mo na yung may katamtamang bilis kung ito’y gagamitin mo na pang bahay lang at mabilis naman para sa pang negosyo.
Nakabatay din sa iyong main Internet Service Provider (ISP) ang bilis ng iyong internet.