Ano Ang OpenVPN At Bakit Ito Magandang Gamitin?

Ang OpenVPN ay isang VPN application na gumagamit ng mas malakas at mas matibay na connection kaysa sa ibang Virtual Private Network applications.

Para sa iba pang katanungan tungkol sa Virtual Private Network , maaari kang magpunta sa pahina na ito Virtual Private Network (VPN)

Ang OpenVPN application ay gumagamit ng tinatawag na SSL/TLS protocol connection na kung saan mas secured ang encryption ng iyong data at may mabilis na pag-transfer ng connection.

Ayon sa aking karanasan sa paggamit ng OpenVPN application, napansin ko na mas marami itong magandang features kaysa sa SSH protocol connection. Ito ang mga halimbawa ng features ng OpenVPN app:

  • Uses TCP and UDP protocols (Mas mabilis ang UDP ngunit less secured)
  • Easy to use (use ready-made servers or import your own configuration)
  • Doesn’t eat too much RAM (Lightweight)
  • Has Dark Mode (too reduce eyestrain)
  • Low ping (good for gaming)
My sample image of using OpenVPN aplication

Saan makakahanap ng OpenVPN app at paano i-install?

  1. Pwede mo itong ma-download nang direkta sa Google PlayStore.
  2. Pagkatapos ma-download ay i-open ito at pindutin ang install button.
  3. Maaari mo na itong magamit para ma-secure ang iyong koneksyon sa internet.