Ano ang HTTP Injector?
Ang HTTP Injector ay isang VPN Application (Virtual Private Network) na ginagamit para makapag-browse nang pribado sa internet. Tumutulong ito para itago ang iyong impormasyon sa mga websites na iyong papasukan at mga applications na iyong gagamitin.
Ang VPN Application na ito ay gumagamit ng iba’t ibang method para maka-connect (SSH/Proxy/SSL Tunnel/DNS Tunnel/Shadowsocks/V2Ray). Mayroon din itong sariling servers na pino-provide kaya’t maaari mo na agad itong magamit. Ang isang paraan naman ay maaari kang maglagay ng iyong sariling server sa loob ng application .
Saan mo ito maaring gamitin?
Maaari mo magamit itong application sa mga sumusunod:
- Pag-browse sa iba’t ibang websites
- Sa paglalaro ng online games
- Sa panonood sa Youtube
- Pag-download at pag-upload ng mga files
- Facebook, Messenger, Whatsapp, etc.
Saang Sim Card ko ito pwede gamitin?
Pwede mo itong magamit sa para sa DITO, Globe, TM, Smart, SUN, at TNT sim cards.
Paalala:
Ang application na ito ay para sa professional users lamang.